Naka-red alert na ang Bureau of Fire Protection na magtatagal hanggang bagong taon.
Sinabi ng BFP, na ipatutupad ang iba’t ibang operational readiness at precautionary measures kabilang ang 24/7 standby ng mga fire trucks sa lahat ng mga istasyon.
Handa itong tumugon sa anumang tawag o insidenteng maipapaabot sa ahensya.
Kabilang dito ang bukas na linya ng komunikasyon, paglilibot sa mga nasasakupan ng bawat istasyon upang magpaalala sa publiko, at pagtiyak ng sapat na pasilidad at kagamitan para sa mga rerespondehang insidente.
Dahil dito, pinayuhan ng BFP ang publiko na sundin ang mga itinalagang “community fireworks display area” o lugar kung saan maaaring magpaputok upang maiwasan ang anumang sakuna.