Nadagdagan ng 23 katao ang naiulat na nasugatan dahil sa paputok kaninang umaga.
Ayon sa Department of Health, kabilang sa mga bagong kaso ay edad 6 hanggang 55 kaninang umaga.
Umabot na sa anim ang naputulan ng bahagi ng katawan dahil sa paputok kung saan dalawang teenager ang nawalan ng daliri matapos magsindi ng pla-pla.
Iligal na paputok naman ang dahilan ng 61% na firework injury at karaniwang naganap ang mga ito sa kanilang bahay at sa lansangan.
Ang Metro Manila ang may pinakamataas na naitalang firework-related injury na umabot sa 30, 9 naman sa Central Luzon at 6 sa Ilocos Region. - sa panulat ni Raiza Dadia