Tumaas ang mga nabayaran nang utang ng gobyerno ngayong taon.
Ayon sa Bureau of the Treasury, umabot sa ₱1.478-T ang utang na nabayaran na ng gobyerno mula Enero hanggang Oktubre.
Mas mataas ito ng 59%, kumpara noong nakaraang taon.
Kaugnay nito, nasa ₱853.94-B ang naibayad ng pamahalaan sa mga nagpapautang sa loob ng bansa, kabilang ang ₱519.10-B na interest.
Habang nasa ₱105.2-B naman ang nabayaran na ng gobyerno sa mga nagpapautang sa labas ng Pilipinas. - sa panulat ni Charles Laureta