Nasamsam ng pulisya ang mga iligal na paputok na pinalitan ng ibang pangalan sa isang operasyon sa Bocaue, Bulacan.
Ito’y matapos matuklasan ng mga otoridad na may mga establisyimentong nagbebenta ng illegal firecrackers sa ilalim ng mga pangalang ‘Bin Laden’, ’coke in can’, ‘pla-pla’ at ‘goodbye COVID’.
Ayon kay PNP Police Regional Office 3 Chief Police Brigadier General Jose Hidalgo, binabago lang ng mga nagbebenta ang pangalan ng mga ito upang makaiwas sa batas.
Magugunitang nakapagtala na ang DOH ng unang kaso ng firework ingestion kahapon matapos aksidenteng makalunok ng watusi ang apat na taong gulang na bata mula sa CALABARZON. - sa panulat ni Maianne Palma