Inilabas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga pangalan ng mga bagyong papasok sa bansa sa taong 2024.
Kabilang sa mga pangalang ito ang Aghon, Butchoy, Carina, Dindo, Enteng, Ferdie, Gener, Helen, Igme, at Julian.
Papangalanan din ang mga bagyong inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility na Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, Pepito, Querubin, Romina, Siony, at Tonyo.
Kasama rin sa listahan ang mga pangalang Upang, Vicky, Warren, Yoyong, at Zosimo.
Huling ginamit ang mga naturang pangalan noong 2020.
Ginagamit ang set of names ng bagyo kada apat na taon, maliban na lang sa tropical cyclones na nag-iwan ng napakalaking pinsala sa bansa.
Kabilang sa mga pangalang hindi na gagamitin muli ang Ambo, Quinta, Rolly, at Ulysses.