Paiigtingin pa ng pamahalaan ang mga ipinatutupad na hakbang upang matuldukan ang terrorism financing sa bansa.
Ito ay hinggil sa pagpopondo sa mga terorista o anumang aktibidad na nagdudulot ng kaguluhan at takot sa publiko.
Sinabi ni Anti-Money Laundering Council Executive Director Matthew David, na mayroong silang tatlong action items na tinututukan kaugnay sa terrorist financing.
Tulad ng pagtukoy dito ng mga law enforcement agency gaya ng PNP, NBI, NICA, at iba pa para malaman ang mga persons of interest o posibleng terrorist o terrorism financers.
Sa ngayon, tinututukan ng AMLC na maalis ang Pilipinas sa grey list ng global money laundering and terrorist financing watchdog na The Financial Action Task Force.