Tinukoy ng Energy Regulatory Commission ang dahilan ng pagkawala ng kuryente sa Panay, Guimaras, at Negros.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Atty. Monalisa Dimalanta, Chairperson ng ERC na may bumigay na mga powerplant kaya nagkaroon ng power outage.
Bukas naman ang ERC sa isasagawang imbestigasyon ng kongreso hinggil sa nangyaring insidente.
Kaugnay nito, nanawagan si Atty. Dimalanta na bigyan sila ng palugit upang ibalik ang suplay ng kuryente sa Western Visayas. - sa panulat ni Raiza Dadia