Naglabas ang Malakanyang ng listahan ng mga holiday at long weekend para ngayong taong 2024.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bukod sa January 1, ay deklaradong special non-working day ang February 10 para sa Chinese New Year.
Papatak naman ang Holy Week vacation simula March 28 na matatapat sa “Huwebes Santo”, March 29 naman ang “Biyernes Santo”, March 30 o Sabado de Gloria at “Easter Sunday” naman ng March 31 o Linggo ng Pagkabuhay.
Nabanggit din na regular holiday ang April 9 o Araw ng Kagitingan at maging ang May 1 o Labor day at June 12 na Araw ng Kalayaan o Independence Day.
Habang special non-working day ang August 21 na “Ninoy Aquino Day” habang papatak na long weekend ang August 24 araw ng Sabado, August 25, araw ng Linggo at pagdating ng August 26 ay papatak ng araw ng Lunes o National Heroes day.
Sa November 1 naman ay All Saints day na papatak sa araw ng biyernes at November 30 naman ay Bonifacio day na isang regular holiday pero papatak ng Sabado.
Maliban dito, holiday rin ang December 8 na papatak ng araw ng Linggo na siyang pista ng Immaculate Concepcion, December 24 na additional special non-working na papatak ng Martes, at December 25 na araw naman ng Pasko.
Samantala, long weekend din ang December 28, 29 at 30 na matataon sa araw ng Lunes na Rizal day habang special non-working day na ang December 31, 2024.
Ayon kay PBBM, sa pamamagitan ng maagang paglalabas ng mga deklaradong holiday at long weekend ay makakapagplano ang lahat hindi lamang para sa bakasyon kundi maging sa mga transaksiyon sa pamahalaan. - sa panulat ni Jeraline Doinog mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)