Ibinasura ng SET o Senate Electoral Tribunal ang motion for reconsideration ni Rizalito David sa naunang desisyon pabor kay Senador Grace Poe.
Nangangahulugan ito na walang nagbago sa naunang 5-4 na boto sa disqualification case na isinampa ni David laban sa senadora.
Hindi binago ng limang senador na miyembro ng Tribunal na sina Senador Vicente Sotto III, Cynthia Villar, Loren Legarda, Bam Aquino at Pia Cayetano ang naunang pagpabor kay Poe sa naturang usapin.
Nananatili namang sang-ayon sa disqualification case sina Senador Nancy Binay at Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo de Carpio at Arturo Brion.
Nagpasalamat naman ang kampo ni Senador Grace Poe sa pagkakabasura ng motion for reconsideration sa disqualification case laban dito.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, Spokesman ni Poe, ang pagbasura sa MR ni Rizalito David ay patunay lamang nang pag-uphold sa karapatan ng mga foundling.
Umaasa si Gatchalian na ganito ang magiging desisyon ng COMELEC sa mga nakabinbing disqualification case sa komisyon laban kay Poe.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)