Kinilala ng Federation of Free Workers o FFW ang Pag-IBIG Fund sa plano nitong dagdagan ang halos apat na dekadang mandatory monthly savings rate para sa mga miyembro at mga employer simula Enero 2024.
Binigyang-diin ni FFW National President Atty. Sonny Matula, na ang pagtaas ng rate ng Pag-IBIG Fund ay nakasalalay sa pangako ng ahensya na higit pang pagbutihin ang mga benepisyo ng mga miyembro nito.
Ipinahayag naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta ang kanyang pasasalamat sa suporta ng FFW at nangakong titiyakin na ang Pag-IBIG Fund members makatatanggap ng mas magandang benepisyo sa ilalim ng mga bagong rate ng ahensya.
Nakatakdang taasan ng Pag-IBIG Fund ang monthly fund salary o MFS noong 2021, 2022, at 2023 para maging ₱10,000, ngunit ito ay ipinagpaliban sa 2024 sa gitna ng matagal na epekto ng COVID-19 pandemic.