Posibleng masundan pa ang dagdag singil sa kuryente ngayong buwan bunsod ng pinangangambahang epekto ng El Niño phenomenon.
Ayon sa Manila Electric Co., maaaring tumaas ang demand sa kuryente ng mga consumer dahil sa init na dala ng El Niño.
Dagdag pa ng Meralco, posible ring bumaba ang supply ng kuryente ng mga hydro electric power plant.
Nauna nang inanunsyo ng kumpanya na may dagdag singil sa kuryente na ₱0.08 kada kilowatt-hour ngayong buwan, dahil sa pagmahal ng generation costs. - sa panulat ni Charles Laureta