Hindi lang central office ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung hindi isang “headquarters of our war against poverty.”
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang mensahe para sa 73rd anniversary celebration ng DSWD na ginanap nitong January 12, 2024 sa Batasan Hills, Quezon City. Sa naturang selebrasyon, nagbigay ang Pangulo ng ilang mahahalagang paalala para sa ahensya.
Ayon kay Pangulong Marcos, dapat ipagpatuloy ng DSWD ang pagsisilbi sa mga Pilipino nang may kindness, understanding, at compassion. Aniya, kasabay ng mabilis na serbisyo, inaasahan niya ang ahensya na magbigay ng sincere public service, lalo na sa mga Pilipinong underprivileged.
Hinikayat din ng Pangulo ang mga empleyado ng DSWD na panindigan ang “brand of public service” ng ahensya.
Samantala, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na dapat magkaroon ng access ramps sa mga serbisyong pang-gobyerno ang Persons with Disabilities (PWDs). Panawagan ng Pangulo sa ahensya, huwag maging bingi at bulag sa mga hinaing ng PWDs.
Sabi nga ni Pangulong Marcos, “care is a hallmark of public service.” Giit niya, ang pagkakaroon ng empathy ay ang diwa ng pagtulong at pagkalinga sa itinatatag niyang Bagong Pilipinas.