Tinatayang 61% ng mga Pilipino ang sumasang-ayon sa pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay ayon sa isinagawang Tugon ng Masa survey ng OCTA Research para sa fourth quarter ng 2023.
Ayon sa OCTA Research, mula sa National Capital Region (NCR) ang may highest agreement rating na 67%; samantalang pinakamababa naman sa Mindanao na may 52% rating.
Isinagawa ang non-commissioned survey mula December 10 hanggang 14, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may edad 18 years old pataas.
Matatandaang para sa third quarter ng 2023, 58% ng mga Pilipino ang sang-ayon sa mga programa at polisiya ng pamahalaan ukol sa territorial dispute sa China. Tumaas ito ng 15% mula sa 43% rating noong second quarter ng kaparehong taon.