Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na request ng Amerika na iakma sa kanilang standard ang pagkukulungan kay Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Kasunod ng conviction sa kanya ng korte sa kasong homicide dahil sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.
Ngunit paglilinaw ni AFP Spokesman Restituto Padilla, hindi ang gobyerno ng Pilipinas ang gagastos sa kulungan bagkus ay ang gobyerno ng Amerika.
Binigyang diin naman ni Bureau of Corrections Chief Rainier Cruz na P50 rin ang magiging budget para sa pagkain ni Pemberton bagama’t maaari naman siyang gumastos ng sarili niyang pera para sa kanyang pagkain.
By Rianne Briones | Jonathan Andal