Pumalo na sa sesenta pesos ang kada kilo ng presyo ng bigas.
Ito’y sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Batay sa huling monitoring ng bantay-presyo ng Department of Agriculture, tumaas sa 2 pesos ang kada kilo ng retail price ng local special rice, na mula sa P68 ang kada kilo.
Umabot naman sa P67 ang kada kilo ng local premium rice habang nasa P57 ang local well-milled rice at ang local regular rice naman ay nasa P53 kada kilo.
Inihayag ni Federation of Free Farmers National Manager Raul Montemayor na umabot sa P30 kada kilo ang farmgate price ng palay sa Tarlac.
Una nang nagbabala si Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo na posibleng tumaas ang bilang ng mga nagugutom sa bansa, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.