Mahigit 300 na ruta pa sa Metro Manila ang may mga unconsolidated na jeepney franchises.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Attorney Teofilo Guadiz III, ilan sa mga rutang ito ay mula at papuntang divisoria, at mula kamuning sa Quezon City papuntang Maynila.
Gayunman, pinawi ni Chairman Guadiz ang pangambang kukulangin ang mga pwedeng sakyan ng mga commuter simula Pebrero, dahil maliliit lamang ang mga nasabing ruta, at may mga dumaraan na bus sa mga ito.
Bukod pa rito, magkakaroon din ng libreng sakay ang LTFRB sa unang dalawang linggo ng Pebrero sakaling may mga rutang kulangin ang sasakyan ng mga commuter. – sa panunulat ni Charles Laureta