Umakyat na sa 28,300 ang bilang ng mga barangay na idineklarang ‘drug-cleared’ sa buong bansa.
Batay sa latest report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) , 28,243 sa 42,000 na mga barangay sa bansa ay malaya na sa ipinagbabawal na droga mula July 1, 2022 hanggang Dec. 31, 2023.
Maliban dito, nasa P31.07 bilyong halaga naman ng illegal drugs ang nasabat at 75,880 drug suspects ang naaresto sa kaparehong panahon.
Samantala, aabot naman sa 822 drug dens at isang clandestine shabu laboratory ang nawasak ng mga awtoridad.