Isiniwalat ni Vice Pres. Sara Duterte na ‘pera kapalit ng pirma para sa people’s initiative’ ay patuloy na nangyayari araw-araw sa siyudad ng Davao at sa iba pang bahagi ng bansa.
Ayon kay Duterte, isa itong repleksyon ng pagkahilig ng mga pulitiko na bumili ng boto tuwing eleksyon at pagsasamantala sa kahirapan ng ating mga mamamayan at kawalan ng respeto sa kanilang karapatan na magdesisyon nang malaya, walang takot, o impluwensya gamit ang salapi.
Subalit ibinabala ni Duterte na maaaring ang sukli sa suhol kapalit ng pirma sa people’s initiative ay may seryosong consequences sa buhay, kalayaan, at kinabukasan ng mga Pinoy.
Aniya, ang patuloy na pagsulong sa people’s initiative at charter change ay masakit na palatandaan sa kabiguang matukoy ang tunay na mga problema ng mga Pilipino at solusyunan ang mga ito.