Ibinibenta na ang puting sibuyas sa halagang P17 kada kilo mula sa dating P700 .
Ito ang inihayag ni Chairman of the Bongabon East Farmers & Fisheries service cooperative Dan Alfaro, na bagsak presyo na ang puting sibuyas sa Bongabon Nueva Ecija dahil sa napakarami pang imported kaya’y hindi nabibili ang local na sibuyas.
Kasunod nito, nagbabala si Alfaro na sa loob ng 3 – 5 taon wala ng magtatanim ng puting sibuyas
Nabatid na ang farmgate presyo ng puting sibuyas ay dapat na P50 ang isang kilo habang ang pulang sibuyas ay bahagyang mas mahal.
Bukod sa pag-aangkat, ang mga magsasaka ay nahaharap din sa iba pang hamon tulad ng pagtaas ng presyo ng pataba at infestation ng armyworms sa lalawigan. – sa panunulat ni Jeraline Doinog