Isang grupo ng mga negosyante, civic leaders, at employers ang nagpakita ng kanilang suporta sa mga pagsisikap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang ekonomiya sa ilalim ng kampanyang Bagong Pilipinas.
Ayon kay Jose D. Lina ng Buklod Bayani Coalition (BBC), ginagawa ng administrasyong Marcos ang lahat upang palaguin ang ekonomiya at makalikha ng mga trabaho at oportunidad sa bansa.
Alinsunod dito, nagkasundo ang koalisyon na tulungan ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), kaya isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan sa pagitan ng BBC, ARTA, at Office of the Special Assistant for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) na tutulong sa pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo sa publiko.
Sa aspeto ng Ease of Doing Business, tiniyak ni Lina na magpapatupad ng isang nationwide network ang BBC upang matulungan ang ARTA sa pagpapadali ng proseso sa pagnenegosyo at sa pagbibigay ng mabilis at maayos na serbisyo sa publiko.