Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may magandang relasyon ang Pilipinas at Vietnam sa kabila ng isyu sa South China Sea.
Ayon kay Pangulong Marcos, kung sakaling magkaroon ng insidente sa rehiyon, dadaanin ito ng dalawang bansa sa usapan upang hindi na lumala ang tensyon.
Kaugnay nito, nilinaw ng Pangulo na hindi nagkaroon ng komprontasyon ang Pilipinas at Vietnam sa gitna ng overlapping claims sa teritoryo at iba pang mga isyung kinakaharap ng rehiyon at buong mundo.
Sa katunayan, nakikita niya umano ang pagkakaroon ng “bright future” sa relasyon ng dalawang bansa dahil sa pagkakaibigan nitong umabot na ng halos 50 na taon.