Namahagi ng ayuda ang PCSO sa mga residente ng San Rafael, Bulacan.
Pinangunahan ni PCSO Director Jennifer Liongson-Guevarra kasama si PCSO Bulacan Officer in Charge Branch Manager Elmer Camba ang pamimigay ng 500 food packs bilang bahagi ng corporate social responsibility program ng PCSO.
Ayon kay Director Guevarra, mandato ng PCSO na tumulong sa mga mahihirap na Pilipino at ang ibinibigay nilang ayuda ay mula sa kita ng lotto at STL games.
Ipinabatid ni Director Guevarra na mag-iikot sila sa buong bansa para sundin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na bigyan ng tulong ang mga nangangailangang Pilipino bilang pasasalamat na rin sa mga sumusuporta sa lotto at STL.
Kasabay nito, hinimok ni Director Guevarra ang mga residente ng Bayan ng San Rafael na suportahan ang e-lotto na madali na lamang laruin.
Nagpasalamat si Mayor Mark Cholo Violago sa PCSO sa tulong at natutuwa silang makatanggap ng ayuda mula sa ahensya na patuloy na pnatutunayan ang slogan nitong PCSO, Hindi Umuurong sa Pagtulong!