Idinulog na ng isang Civil Society Group kay Ombudsman Conchita Carpio – Morales ang palagiang pagliban ng mga mambabatas sa kanilang sesyon.
Ito ang dahilan kaya’t laging bigo ang mababang kapulungan na maipasa ang ilang mahahalagang batas tulad na lamang ng Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon sa grupo, nasasayang ang buwis na binabayaran ng mga mamamayan dahil sa anila’y nagiging pabaya na sa kanilang tungkulin ang mga mambabatas na dumalo sa sesyon na kanila namang mandato.
Dahil dito, hiniling ng grupo sa Ombudsman na atasan at obligahin ang mga mambabatas na dumalo na sa sesyon upang makabuo ng quorum at mailarga na ang mga nakabinbing panuklang batas.
By Jaymark Dagala