Posible magkaroon ng taas – presyo sa kuryente ngayong buwan ng Pebrero.
Ito’y ayon sa Meralco kung saan ito ang ikalawang pagtaas dahil sa fit-all at mataas na presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market na mahigit .50¢ kada kwh kasunod ng mas mataas na average capacity sa outage sa Luzon.
Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, bagama’t hindi pa nila natatanggap ang lahat ng mga pagsingil mula sa mga supplier, ang inisyal na indikasyon ay maaaring may taas-singil sa kuryente ngayong buwan
Dagdag pa ni Zaldarriaga, tataas ang generation charge dahil sa mas mataas na presyo ng petrolyo gaya ng imported liquefied natural gas na ginagamit ng gas-fired power plants. – sa panunulat ni Jeraline Doinog