Walang epekto ang import ban sa kabuuang supply ng karne ng baka at kalabaw sa bansa.
Ito’y matapos ipinag-utos ng Department of Agriculture ang temporary ban ng baka at kalabaw mula sa Libya, Russia, South Korea at Thailand dahil sa kumakalat na lumpy skin disease.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel De Mesa, hindi rin nag-aangkat ang Pilipinas sa apat na bansa dahil hindi ito accredited.
Hindi rin sakop anya ng import ban ang mga naturang karne dahil ikinokunsidera ito bilang safe commodity.
Dagdag pa ni Assistance Secretary De Mesa, pinapayagan pa rin ang pag-aangkat ng mga karne sa apat na bansa kung accredited ng mag-import.