Umarangkada na ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, naglalaro sa P 0.75 ang akyat-presyo sa kada litro ng gasolina, habang P0.80 ang itinaas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Aabot naman sa P1.50 ang price hike sa kada litro ng diesel.
Unang ipinatupad ng kumpanyang Caltex ang naturang price adjustment kaninang 12:01 a.m. , habang magkakaroon ang Pilipinas shell, at Seaoil ng kaparehong oil-price hike mamayang P6.00.
Ipapatupad naman ng Cleanfuel ang naturang taas-presyo mamayang 4:01 p.m. , habang ang Petrogazz ay 6:00 p.m.
Paliwanag ni Energy Assistant Director Rodela Romero, ito’y dahil tumaas ang demmand sa langis sa Southeast Asian Region, patuloy na tensyon sa Middle East, at policy cut ng organization of the petroleum exporting countries hanggang unang bahagi ng taon.- sa panunulat ni Charles Laureta