Umakyat na sa mahigit 100,000 o katumbas ng 410,771 na indibidwal ang nawalan ng tirahan dahil sa matinding pagbaha sa Mindanao.
Ayon kay Social Welfare and Development Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit 21,000 pamilya o 82,000 na katao ang kasalukuyang nananatili sa 334 na evacuation centers sa Region 11 at Caraga.
Sa datos naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 214,132 pamilya o katumbas ng 812,638 katao ang naapektuhan ng amihan sa Northern Mindanao, Davao Region, Caraga at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.