Lalo pang bumagal sa 2.8 % ang inflation sa bansa nitong Enero.
Ito na ang pinakamababang inflation na naitala sa bansa mula noong October 2020.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, mas mababa ito sa 3.9 % inflation noong Disyembre at 8.7% sa kaparehong buwan ng 2023.
Pasok din ito sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 2.8% – 3.6%.
Paliwanag ni P.S.A National Statistician at Undersecretary Dennis Mapa, na kabilang sa pagbagal ng galaw ng presyo ay ang gulay gaya ng sibuyas, isda, at karne.
Naka-ambag din ang pagbagal sa inflation sa renta ng bahay, kuryente, at tubig.