Lumiliit na ang bilang ng mga single sa bansa, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.
Nagsimulang bumaba mula 43.8% noong 2015 hanggang 39.7 % noong 2020 ang mga bilang ng single sa bansa kung saan maaaring maiugnay sa tumataas na populasyon ng mga rehistradong kasal.
Sa datos noong 2022 nakapagtala ng halos kalahating milyong kasal sa buong bansa kumpara sa kabuuang 356,839 noong 2021 na nagpataas ng populasyon ng kasal sa 26 % .
Samantala, patuloy ding lumolobo ang bilang ng mga babaeng kinakasal na may edad 20 kaysa sa bilang ng mga lalaking nagpakasal sa kanilang early twenties.- sa panunulat ni Kat Gonzales