Lalahok sa ‘Register anywhere’ program ng commission on elections ang mas maraming mall sa bansa.
lumagda ang poll body sa Memorandum of Agreement kasama ang SM Supermalls; Megaworld Lifestyle Malls; Robinsons Malls, at Festival Mall para sa programa at dahil dito, umabot na sa 170 ang bilang ng mga mall na nakipagtulungan sa COMELEC.
Sa ilalim ng programa, ang mga Pilipino ay maaaring magparehistro bilang mga bagong botante; muling i-activate ang kanilang account; paglipat ng rehistro, at i-ayos o update ang impormasyon ng botante sa mga partner establishments tulad ng mga mall, paaralan, pribadong kumpanya, at mga tanggapan ng gobyerno.
Magsisimula ang pagpaparehistro sa Pebrero 2 na magtatagal hanggang Setyembre 30. – sa panunulat ni Kat Gonzales