Nagbigay ng paalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na ingatan ang kanilang kalusugan ngayong Buwan ng mga Puso.
Sa isang social media post, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat ipagdiwang ang Valentine’s Day sa pamamagitan ng pag-aalaga sa puso at pagmamahal sa sarili.
Aniya, walang ibang mag-aalaga sa puso kung hindi ang sarili, kaya dapat maging mas maalaga ang “Bagong Pilipino” sa kanilang kalusugan.
Samantala, nagbigay naman ng payo sa mga magkasintahan sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanilang valentine vlog.
Dito, ibinunyag ng First Couple na mas titibay ang relasyon kung dadaanin ito sa mas malalim na komunikasyon at sense of humor.