Kasabay ng araw ng mga puso….
Naghahanda na ang ilang mga simbahan sa Metro Manila para sa pagsisimula ng kwaresma.
Batay sa nakarating na impormasyon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa Maynila, ang Our Lady of Unity Parish Church ay sinimulan na ang pagsusunog ng palaspas para sa Ash Wednesday sa Pebrero 14, bukas kasabay ng Valentines Day.
Ginagawa ang pagpahid ng abo sa noo ng mga katoliko bilang simula ng panahon ng kwaresma.
Dinala naman ng mga deboto ang mga sinunog na palaspas sa nasabing simbahan.
Hinihikayat din ng CBCP ang mga katoliko na dalhin sa kanilang mga parokya ang mga palaspas na binasbasan sa panahon ng Palm Sunday.