Magsasagawa ng malawakang protesta na tinawag na ‘Black Hearts Day Protest’ ang mga health care workers sa bansa bukas, kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso o Valentine’s Day
Ito ayon kay Alliance of Health Worker (AHW) National President Robert Mendoza ay upang ipanawagan ang patuloy na lumalalang sitwasyon ng mga Health Care Workers sa bansa.
Kabilang dito ang mababang sweldo, hindi nababayarang benepisyo, job insecurity, mataas na buwis at labis na pagtatrabaho dahil sa kakulangan ng empleyado.
Kaugnay nito,iginiit ng opisyal na dapat ay inilaan na lamang sa dagdag na pasahod sa mga Health Care Workers at Government employees ang budget na ginamit para sa charter change.
Samantala, nakatakda namang magtipon bukas ng umaga ang mga miyembro ng nasabing grupo sa central office ng Department of Health sa Maynila bago magtungo sa Mendiola.