Pinaalalahanan ng Malacañang ang mga motorista na laging sundin ang batas trapiko.
Ito’y upang hindi na makadagdag pa sa malalang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila partikular na ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Pagtitiyak naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang maibsan ang malalang epektong trapiko sa mga panahong ito.
Gayunman, binigyang diin ni Lacierda na batid nila ang kalbaryong dinaranas ng publiko at mga motorista sa trapiko tuwing Kapaskuhan kaya’t ibayong pakikiisa ang kinakailangan.
By Jaymark Dagala