Kulelat ang Pilipinas pagdating sa sahuran sa mga mangggawa mula sa iba’t ibang sektor.
Ito ang binigyang-diin ni labor lawyer and Federation of Free Workers head Sonny Matula matapos ipinapanukala sa Senado ang isandaang pisong dagdag-sahod sa mga manggagawa.
Sa panayam ng DWIZ, ikinumpara ni Attorney Matula ang sahod ng mga empleyado sa mga kalapit bansa gaya ng Indonesia na aabot na sa walong daang piso ang arawang sahod.
Ipananawagan ng abugado sa mga mambabatas na repasuhin ang taas-sahod para sa mga manggagawa, sa halip na tutukan ang Charter Change.
Ang tinig ni Labor Lawyer and Federation of Free Workers head Sonny Matula, sa panayam sa programang Senyor Balita na mapapanood at mapapakinggan sa ALIW 23 at DWIZ tuwing alas tres hanggang alas kwatro ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes