Bumaba sa 41 mula sa 50 ang bilang ng mga probinsyang apektado ng El Niño sa bansa.
Ito’y batay sa pinakahuling datos mula sa pagpupulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Department of Agriculture at Task Force El Niño
Sinabi ni Presidential Communications Office Spokesperson Asec. Joey Villarama, sa naturang labing pitong lugar ang nasa dry condition status habang 10 ang nasa ilalim ng dry spell, at 14 ang makakaranas ng drought o mahabang panahon na tagtuyot.
Samantalang ang pinaka-apektado ang mga lugar sa regions 9 at 6, kung saan umabot na sa higit P150 – M na ang halaga ng pinsala sa produktong pang-agrikultura, tulad ng mais at bigas.
Gayunpaman, sa kabila ng pagbaba, sinabi ni Villarama na kailangan pa ring ipatupad ang paghahanda dahil sa epekto na El Niño na posibleng magpatuloy pa hanggang Mayo. – sa panunulat ni Jeraline Doinog