Itinanggi ng Philippine National Police na may kaugnayan ang mga bomb threat sa mga opisina ng gobyerno at eskwelahan sa Luzon sa sinasabing pagpapabagsak sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PNP Public Information Office Officer Colonel Jean Fajardo, walang ebidensya ukol dito.
Dagdag pa ni Colonel Fajardo, may pagkakapareho ang nangyaring bomb threat sa naganap din sa mga opisina ng gobyerno, pampublikong paaralan, at railway noong Setyembre, Oktubre, at Disyembre nakaraang taon.
Iniulat pa ng opisyal na ipinadala ang mga ito gamit ang email, at sangkot ang nagpakilalang takahiro karasawa sa mga naturang insidente. – sa panunulat ni Charles Laureta