Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontribusyon ni Apo Whang-Od sa Philippine traditional arts sa pamamagitan ng paggawad ng Presidential Medal of Merit.
Sa idinaos na Honor Awards Program ng Civil Service Commission (CSC), pinuri ni Pangulong Marcos ang 106-year-old tattoo artist mula sa Buscalan, Kalinga na tinawag niyang “national treasure.”
Aniya, nakilala sa buong mundo ang mga gawa ni Apo Whang-Od na sumasalamin sa mayaman na kultura ng Pilipinas.
Isa sa mga pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Pangulo ng bansa ang Presidential Medal of Merit. Kumikilala ito sa mga indibidwal na nagbigay ng mahalagang kontribusyon sa sining, literatura, agham, at entertainment.