Kakasuhan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mahigit 100,000 katao na sangkot sa multiple registration.
Ayon kay COMELEC Spokesman, Attorney John Rex Laudiangco, ang nasabing nilang ay bahagi ng halos 500,000 botante na kanilang binura sa listahan ng COMELEC ng nakaraang taon.
Aniya, ang pagpaparehistro ng higit sa isang beses para maging flying voter ay itinuturing na election offense at may katumbas na parusang isa hanggang anim na taong pagkakabilanggo.
Bukod dito, tatanggalan din ang ‘flying voter’ ng karapatang bumoto at hindi na maaaring humawak ng pwesto sa gobyerno.
Inihayag pa ni Attorney Laudiangco na madali na lamang mahuli ang mga pasaway na botante ngayon sa pamamagitan ng automated fingerprint identification. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma