Lusot na ikalawang pagbasa ang panukalang P100 daily minimum wage increase sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Pinagtibay ang Senate Bill 2534 o ang “An Act Providing for a P100 daily minimum wage increase for employees and workers in the private sector” Isang linggo makaraang isponsoran ito sa plenaryo ni Senador Jinggoy Estrada.
Ang SB 2534 ay produkto ng ilang panukalang batas na naglalayong itaas ang minimum wage, kabilang ang bersiyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na humihiling ng P150 across-the-board increase sa minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor
Inadjust ito mula P150 sa P100 na kasalukuyang bersyon bill kasunod ng pagtataas ng Regional Wage Boards sa minimum daily wage rates mula P30 – 89.
Dahil dito, nanawagan si Senador Zubiri sa KAMARA na aksiyunan ang wage increase bills.