Muling pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development ang publiko na huwag magdonate ng ukay-ukay o mga gamit na damit.
Ito’y matapos makatanggap ng wedding gown ang ahensya bilang donasyon sa mga nasalanta ng malawakang pagbaha dulot ng trough ng LPA sa Davao Region.
Ayon kay Leo Quintilla Social Welfare and Development Special Assistant to the secretary for Disaster Response Management Group, bukod sa cash tumatanggap naman ng donasyon na pagkain at non-food items ang kagawaran maliban na lamang sa mga pinaglumaang damit.
Gayunman, kung magbibigay ng pagkain ay dapat aniyang tiyakin na ito ay magtatagal ng hanggang 6 na buwan bago mag-expire dahil iniimbak pa ang mga ito. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma