Nanganganib na maapektuhan ang nasa P900 – M na eksportasyon ng shrimp o hipon ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Ito’y matapos pagbawalan ng United States ang pag-aangkat ng hipon na nabinggwit gamit ang turtle excluder devices na nakakaapekto sa mga pagong.
Sa ilalim ito ng section 609 ng US Public Law 101 – 162.
Matatandaang noong May 12, 2023, inilabas ng gobyerno ng Estados Unidos ang listahan ng mga bansang maaaring mag-export sa kanila ng hipon, at hindi kabilang dito ang Pilipinas. – sa panunulat ni Charles Laureta