Posibleng umarangkada na sa susunod na taon ang revised curriculum para sa Senior High School.
Ito ang inanunsyo ni Vice President at Education Secretary sara Duterte kung saan sinabi nitong maaaring ipatupad na ito sa school year 2025 to 2026.
Kasalukuyang nirerebyu ng DepED ang grade 11 at 12 curriculum upang makapag-produce ng job-ready at responsableng graduates.
Una nang sinabi ni DepED Undersecretary Michael Poa na target ng kagawaran na tapusin ang review ng kindergarten hanggang grade 12 curriculum sa Mayo 2024.
Matatandaang, isinulong ng DepED noong agosto 2023 ang revised k-10 curriculum ng K-12 Program na ngayon ay ipinapatupad sa 35 paaralan sa buong bansa.- sa panunulat ni Raiza Dadia