Inihirit ng pribadong sektor na gawing utay-utay ang panukalang P100 wage hike.
Binigyang diin ni Go Negosyo Founder at Private Sector Lead for Jobs Joey Concepcion na hindi kakayanin ng mga negosyante ang bilaang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa.
Dahil dito, iminungkahi ng opisyal na kung maaari ay unti-unting ipatupad upang hindi mabigla ang mga negosyante.
Bagama’t kaya naman ito anya ng mga malalaking kumpanya at korporasyon, nagaalala lamang siya sa mga maliliit na negosyante na bumubuo ng karamihan sa negosyo sa bansa.
Giit pa ni Concepcion na kahit sa mga nagdaang tatlong administrasyon ay walang nagbigay ng buong P100 sa dagdag-sahod para sa mga manggagawa. – sa ulat mula kay Gilbert Perdez ( Patrol 13).