Ipinaliwanag ng Department of Agriculture(DA) kung bakit naharang sa Ninoy Aquino International (NAIA) ang halos 400 manok na panabong mula sa America.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, ang naganap na panghaharang ay bahagi lamang ng hakbang ng Bureau of Animal Industry (BAI) upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng avian flue sa bansa.
Nagiging maingat lamang aniya ang ahensya upang maprotektahan ang poultry industry at ang lumalagong gamefowl breeding sektor ng bansa.
Kaugnay nito, nabatid na nagsagawa na ang BAI ng random sampling sa 30 manok na panabong upang malaman kung positibo ang mga ito sa avian flu.
Kapag nagnegatibo ang mga ito ay saka pa lamang ito opisyal na idi-discharge ng ahensya.
Magugunitang noong enero, ipinagbawal ng DA ang pag-aangkat ng manok at poultry products mula sa America bunsod ng naitalang H5N1 outbreak sa California at Ohio. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma