Lumobo pa sa P357.4-M o mahigit doble mula sa unang naitalang P151.-M ang halaga ng pinsala ng El Niño phenomenon sa mga sakahan sa bansa.
Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture, apektado ng tagtuyot ang mahigit 7600 magsasaka sa mga rehiyon ng Ilocos, MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Pumalo sa mahigit 11,000 metriko tonelada ang lugi sa produksyon ng palay, halos 3,000 metriko tonelada para sa mais at mahigit 200 metriko tonelada naman para sa high-value crops na sumasaklaw sa 6,500 ektarya ng lupa.
Ayon sa D.A., ang mahigit 11,000 metric tons na pagkalugi sa produksyon ng palay ay kumakatawan sa 0.12 % ng kabuuang target na dry cropping season output para sa 2024 habang ang tinatayang pagkawala ng produksyon na mahigit 2,800 metric tons sa mais ay katumbas naman ng 0.06 percent na target production. – sa panunulat ni Laica Cuevas