Aarangkada na bukas ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa Department of Energy, naglalaro sa P1.00 – P 1.20 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel, habang nasa P0.70 – P0.90 centavos ang bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Aabot naman sa P0.90 – P1.00 ang rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Paliwanag ni Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ito’y may kaugnayan sa mga pangamba hinggil sa global demand at inaasahang matagal na bawas sa interest rate ng Estados Unidos. – sa panunulat ni Charles Laureta