Kilala ang Pilipinas sa buong mundo dahil sa taglay na hospitality ng mga Pilipino. Ang magiliw na pagtanggap sa mga bisita ay isang cultural practice na namana natin mula sa mga naunang henerasyon.
Kapag may bisita, hindi ba sinisiguro nating mayroon silang the best at one-of-a-kind experience? Ang ganitong klase ng treatment ang tiyak na mararanasan ng mga pinuno ng ibang bansa na bibisita sa Pilipinas dahil sa Laperal Mansion.
Ang Laperal Mansion ang pinakabago sa restoration efforts ng pamahalaan sa heritage houses. Ipinapakita nito ang commitment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin at palawakin ang ugnayan ng Pilipinas sa mga kaalyado nito sa international community.
Isa sa official residences ng Pangulo ng Pilipinas ang Laperal Mansion na kilala noon bilang Arlegui Guest House. Itinuturing itong “crown jewel” ng naturang group of residences.
Matatagpuan sa Arlegui street, malapit sa Malacañang Palace, ang Laperal Mansion. Naging tirahan ito ng ilan sa mga nakaraang pangulo ng bansa. Ngayon, magsisilbi na itong official Presidential Guest House ng foreign heads na bibisita sa Pilipinas.
Mayroon itong 14 meticulously designed bedrooms at dalawang sun rooms na gawa ng pinakamagaling na artists at designers sa Pilipinas.
Makikita rin dito ang tatlong staterooms na tinawag na Magellan, MacArthur, at Rizal bilang pagkilala sa mahalaga nilang ambag sa kasaysayan ng Pilipinas.
Kabilang ang Laperal Mansion sa historic homes na binisita ng mga ambassador ng Pilipinas, bukod sa Goldenberg Mansion, Teus Mansion, at Bahay Ugnayan.
Sa restoration ng Laperal Mansion, naipakita ang talento ng Filipino artists at muling nabuhay ang heritage house na naglalaman ng mayamang kasaysayan ng bansa. At para kay Pangulong Marcos, nararapat lang itong alagaan at pahalagahan.