Ika-4 ang Ninoy Aquino International Airport sa “Worst Airport in Asia” Batay sa survey website mula sa United Kingdom.
Ayon sa survey ng Businessfinancing.Co.UK, nakapuntos lamang 2.78 ang NAIA mula sa business travellers na nagbigay ng ratings sa mga paliparan sa Asya ng 1 to 10.
Nakakuha naman 1.69 na score ang Kuwait International Airport na sinundan ng almaty international airport sa Kazakhstan at King Abdulaziz International Airport sa Saudi Arabia.
Tinuring naman na best aiport sa asya ang Noi Bai International Airport sa Vietnam na may average rating na 6.80 at sinundan ng changi airport ng Singapore at Hong Kong International Airport.
Wala pang pahayag ang Department of Transportation ukol dito.- sa panunulat ni Raiza Dadia