Idineklara na ang State of Calamity sa bayan ng Bulalacao at umapaapela na rin ang lokal na pamahalaan ng tulong sa National Government para sa mga apektadong magsasaka
Dahil sa tindi ng init natuyo na ang sakahan, nagkabitakbitak na ang lupa, at namatay ang mga palay maging mga tanim na sibuyas ay apektado na rin.
Nabatid na higit isang buwan ng tigang ang mga lupang sakahan at natuyo na rin ang mga ilog na pinagkukunan ng patubig sa ilang bayan sa Mindoro
Batay sa tala ng Agricultural Office nasa P27 – M na ang halaga pinsala sa palayan, 65- M naman sa sibuyas
Samantala, apektado na rin ng El Niño ang mga sakahan sa bayan ng Looc Lubang Island Occidental Mindoro kung saan milyong mga taniman na ng mga palay sibuyas at bawang, higit 1000 na rin ang apektado. – sa panunulat i Jeraline Doinog